and it’s all about love once again.
Nagtext si Jako. Nagtatanong tungkol sa pag-ibig na tila ba isa itong sakit. May pathophysiology pang nalalaman. Sinagot ko ang tanong. Pero marami akong sinabi. At dahil pinangako ko kay Jako na itytype ko na lang siya, eto na.
Loving someone is like finding the end of a micropore tape. You don’t need to see it. You just feel it. Hindi mo kailangan ng tangible signs para malaman mo. Marerealize mo na lang yun. Tatamaan ka. Biglaan. Hindi mo namamalayan. Naalala ko yung sinabi ni Box (Hindi ito yung CI ah) nung minsang maginuman kami. It all starts with attraction. Tama naman siya. Pero what makes you stay with the person? Hindi naman dahil maganda ang mga mata niya di ba? O dahil matangos ang ilong niya o dahil perfect yung atay niya o yung utak niya, hindi. May kanya kanya tayong dahilan. Dahil mabait siya, masaya siya kasama, o dahil minsan nararamdaman mo na lang na sa kanya ka na sasaya at hindi ka na maghahanap ng iba. Tama naman di ba? YOU JUST FEEL IT.
We love because that what makes the world go round. Clichè pero, totoo. Love pushes us forward. Di ba pagwala kang minamahal o walang nagmamahal sayo parang gusto mo na mawala na lang bigla sa mundo. Kasi that what keeps us going on, LOVE. Hindi yung tipong mushy type na kailangang may boyfriend or girlfriend ka. Basta meron.
To be happy, you have to make someone else happy. Bakit mo naman gagawin yon? Kasi mahal mo siya. Yun lang. Sapat nang dahilan yon para pasayahin mo ang isang tao. Ako, bakit ba ako nagnursing? Kasi gusto kong maging masaya ang parents ko. When you love someone, you do anything and everything just to make them happy. Pero, ano nga bang nararamdaman ng isang nagmamahal? You feel happy, safe, secured and you wish that time would right there and then stop so that the moment could just last forever.
On a nurse’s point of view, walang signs and symptoms ang love. Asymptomatic. Bigla ka na lang aatakihin parang Myocardial Infarction. Pero pwedeng may hallmark sign. Pwedeng wala. Nasasaiyo iyon. Walang exact diagnosis. Walang eksatong cure. Kung meron mang treatment, symptomatic lang.
Kung parental love yan, para siyang galactosemia o kaya tropical sprue. Meron ka non habang buhay. Sabi nga ni Sir Lorena, forever and ever AMEN. Magaadjust ka lang. Kasi di ba kahit anong mangyari, mahal mo sila at mahal ka din nila.
Ibahin naman natin ang love of friendship. Para siyang Renal Failure. May stages. May pre-renal, may intra-renal at may post renal . Una, you’ll get to know each other hanggang sa magkadevelopan kayo. Madalas, hindi nagkakadevelopan. Ibig sabihin non, Acute Renal Failure ka pa lang, naagapan na. Pero kung hindi, hello end-stage renal disease.
Tinamaan ka ng virus pagdating sa Romantic love. Self-limiting. Biglaan. Para kang nagkasipon.After ng ilang araw, magaling ka na.Ganon lang din yon. Pero kung HIV ang tumama sayo, hindi na self-limiting yon. You’ve found the one.
Pero kung hindi siya, hindi talaga siya. You have to move on and catch the next virus.:D
Ganon ang love.
Sana lang tamaan na ako ng virus ko.
Sana din, siya na yun.:)
April 3, 2008 at 12:31 am
hahaha. I like the way na prinesent mo yung LOVE, seriously! ako nga, definition ko lang ng Love “acceptance of imperfections eh”.
and the way you presented it, it’s so NURSE-y (if you know what I mean), hehe. nakaka-nosebleed lang sa wala masyadong alam sa mga ganyang concepts. sa mga premed/ med students mo lang pabasa, ha?
but seriously, ang cute nung construction. dapat nilagay mo to sa gazette, hahaha.
April 3, 2008 at 10:00 am
Kahapon ko lang kasi siya nagawa. Hayaan mo. Sa Volume V Issue 1 na lang.