Our community immersion made me realize lots and lots and lots of things. Mababaw man o makabagbag damdamin. I thought that it would be one of my worst duties ever, but it turned out to be one of the best (walang halong kaplastikan). It was a really different experience. It wasn’t as bad as I expected or was endorsed by team b. So there.
Una na realize ko na kaya pala ang lalaki ng payong namin tapos walang required payong ang kamandag at liliw, dahil sa isang dahilan lamang. Hindi ito mga aso o ulan. Dahil ito sa ulan ng Incidence report na pinamimigay ng mga CI na para bang brochure ng condo for rent/sale. Ngunit maraming pagkakataon na hindi ako nagdala ng payong. Kasi hindi naman ako na-IR. Wuhoo!
Narealize ko din na mali sila. MALING MALI. Swerte din kami sa CI sa Pagrai noh. Well, not quite. Pero okay naman yung mga CI na sinasabi nilang toxic daw. Okay dahil sila nga yung mga naging ka-close ko nung immersion.
Maging ang sector namin ay maraming naparealize sakin.
Swerte pala ako na nakikita ko ang kulay ng mundo. Nakikita ko ang ganda ng likha ng Diyos at kung paano natin unting-unti sinisira ang mga ito. Hindi katulad ni Jaybee na bata palang ipinagkait na sa kanya ang makakita. Pero hindi doon nagtapos ang lahat para sa batang yon. Naglaro pa rin siya, nakisama at nagpatuloy sa laban ng buhay sa kabila ng kanyang kapansanan. Doon ko natutunan ang courage. Ang tunay na ibig sabihin nito. Dapat maging malakas ka kahit na may isang bagay na patuloy na nagpapababa sayo.
Swerte din pala ako dahil marunong akong ipakita ang totoo kong nararamdaman sa paraan ng pagsalita. Hindi katulad ng mga anak kong sina Jonathan at Divine na ungol at tawa lang ang kayang gawin. Minsan, bumibigkas rin pero paputolputol. Don ko narealize na dapat pala kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Bago pa mawala ang pagkakataon. Yung dalawang yon, magaling magcolor at magdrawing. Siyempre, mga anak ko yon.
Swerte din ako dahil hindi ako katulad ni Eugene na hindi pinapalabas ng tiyahin niya. Dahil daw hindi siya marunong umuwi. Nagpapasalamat ako kay God dahil hindi niya ako ginawang bobo sa direksyon.
Swerte din ako dahil binigyan ako ng Diyos ng kumpletong mga paa at kamay. Hindi katulad ng ilan sa mga core group leaders namin. Ngunit sa kabila ng kapansanan ay nakuha pang tumulong sa iba. Natutunan ko dito ang tunay na ibig sabihin ng salitang tulong. Ibibigay mo sa iba kung anong meron ka kahit na kulang na yung sayo.
Natutunan ko din ang pakikisama. Biro mo, hindi mo groupmates ang makakasama mo. Kung hindi mga tao galing sa iba’t ibang section na makakasama mo sa unang pagkakataon.
Sa kabila ng putik, sa ulan at sa dami ng bitbitin, marami pa rin akong natutunan at natuwa ako sa experience ko sa pagrai.
Yes friends, PAGRAIan ako.:D

