Naglaan lamang ako ng ilang sandali para magblog. Hindi ko maintindihan kung importante ba itong sasabihin ko o dahil mayabang ako at isang unit ng Pharma lang ang tatapusin ko o dahil mahaba pa ang oras at nabore ako sa dorm pagkatapos kong maligo, maghugas ng pinggan at maglaba.
Isang unit sa isang gabi? Oo, kaunti na lang kaya yun. Kaysa sa mga nakaraang araw na subsob kami sa pagbabasa dahil sa takot na magpretest. Salamat sa Diyos at gahol kami sa oras kaya madalas hindi na natutuloy ang pre-test namin.
Nakita ko si super crush kanina. At feeler siya. SOBRA. Naiinis ako. Pakshet siya. PAKYU KA.
May bagong nagmakmayari ng puso ko. Kaso may ka-share siya, isang taong pula ang buhok. Haha. Siya, walang buhok. Coolness. Kaso nagtampo siya kanina e.
SIYA: Ba’t andito ka pa?
AKO:Sir, bakit di po ba pwede?
SIYA:Ang sungit mo naman. (sabay alis)
Aww. Sorry sir. Mahal pa din kita.
So far, wala pa akong binabagsak na quiz sa Funda. (e di good). Ayun nga lang wala pa akong pinapasa na quiz sa Nutri. Sa Pharma, nako. Masaya na ako sa nakukuha ko. Lalo na kanina. Shet. John Lorena is Pharmaceutical love. And Dr. Oliver Tolentino is in close second. Minsan, pantay lang. Pero madalas mahal ko si Sir Lorena.
Ayun lang yon. Isang minuto sa buhay ko.

