Archive for the dreamboy Category

hello stranger.

Posted in badtrip, balugas, bestfriend bugok, dreamboy, funda, tagalog on April 30, 2007 by napoleon crisostomo

when life gives you lemons, throw it at an angle theta that would render the most lethal.

Hindi ako galit sa kahit kanino man. Sadyang badtrip lang talaga ako. Wala sa mood. Lahat tayo may ganung mga moments di ba? Hindi lang talaga maganda yung gising ko. Wala ako sa sarili kahapon. Hindi ako galit sayo kahit sabi mo ang kapal ng mukha ko. Hindi rin ako galit kay ano kahit na pinagalitan niya ko at sabi niyang bawal ako magstay sa school after 4. E di fine. e di hindi. Hindi rin ako galit sa kanya kahit dahil don, hindi ko nakita si Bernard. Mas lalong hindi ako galit sayo kahit sabi mo hindi tayo friends tapos napahiya ako sa harap niyo, kay Maam Cabiente, kay Chi, kay Chabs at dun sa lalaking nakaupo sa may elevator.

Hindi ako galit. Di ko kaya yun. Yung magtanim ng galit sa isangmadaming tao. Pero eto lang yun, forever na siyang may lamat sakin.

Life’s daily shit sabi nga ni Chi.

Sige na, mali na ako. Ayoko lang ng away.

xxx

Sino si Richard sa buhay ko Mars?

Wala. Adviser ko nung first sem. No more no less. Meron pa ba dapat?

xxx

Hindi re run si Jimmy Neutron kahapon so yey!!

xxx

Sabi ko na nga ba eh. Hindi talaga magandak tong araw na ito e. Nafeel ko na yun eh. 6 pa lang ng umaga.

isang minuto sa buhay ko.

Posted in aLvin rey, doctoL, dreamboy, funda, nursing, nutrition, pharma, sir john, super crush, tagalog, thor joseph on April 17, 2007 by napoleon crisostomo

Naglaan lamang ako ng ilang sandali para magblog. Hindi ko maintindihan kung importante ba itong sasabihin ko o dahil mayabang ako at isang unit ng Pharma lang ang tatapusin ko o dahil mahaba pa ang oras at nabore ako sa dorm pagkatapos kong maligo, maghugas ng pinggan at maglaba.

Isang unit sa isang gabi? Oo, kaunti na lang kaya yun. Kaysa sa mga nakaraang araw na subsob kami sa pagbabasa dahil sa takot na magpretest. Salamat sa Diyos at gahol kami sa oras kaya madalas hindi na natutuloy ang pre-test namin.

Nakita ko si super crush kanina. At feeler siya. SOBRA. Naiinis ako. Pakshet siya. PAKYU KA.

May bagong nagmakmayari ng puso ko. Kaso may ka-share siya, isang taong pula ang buhok. Haha. Siya, walang buhok. Coolness. Kaso nagtampo siya kanina e.

SIYA: Ba’t andito ka pa?
AKO:Sir, bakit di po ba pwede?
SIYA:Ang sungit mo naman. (sabay alis)

Aww. Sorry sir. Mahal pa din kita.

So far, wala pa akong binabagsak na quiz sa Funda. (e di good). Ayun nga lang wala pa akong pinapasa na quiz sa Nutri. Sa Pharma, nako. Masaya na ako sa nakukuha ko. Lalo na kanina. Shet. John Lorena is Pharmaceutical love. And Dr. Oliver Tolentino is in close second. Minsan, pantay lang. Pero madalas mahal ko si Sir Lorena. :)

Ayun lang yon. Isang minuto sa buhay ko.

dear dreamboy.

Posted in dreamboy, tagalog on April 2, 2007 by napoleon crisostomo

dear dreamboy,

I wish you were true. As in JAMES TRUE hehe. sana totoo na lang lahat lahat na nangyari. pero, pakyu ka dreamboy. alam mo ba kung gaano mo ko pinahirapan? kung gaano kahirap yung gumising araw araw at harapin ang katotohanang di ka naman talaga akin. haha. dahiL sayo nagremovaLs ako sa micro.. exaaaj. joke lang. pero 70% ng dahiln ay ikaw. 70 ba or 60 lang. di ko alam. pero mga ganung range. eh yung taragis na itago yung tunay mong identity na piling tao lang na may alam. so i can’t run around shouting si dreamboy. tsk. baaad.

siguro nga selfish lang ako.

dreamboy. you’re special. but i won’t say i’m in love.

love,
xoxo
jean