Archive for the kanta Category

para pa rin sayo.

Posted in drei., kanta on June 4, 2008 by napoleon crisostomo

Kasama kita ngayong sandali
Nakahiga sa damuhan at magkatabi
Pinagmamasdan ang bituin sa lalim ng gabi
Habang nakatitig sa iyong ngiti

Ngunit ito’y pangarap na lang
Ang kaya lang sabihin ay sana lang sana

**Hindi ko na alam ang aking gagawin
Anino mo na lang ang kayang habulin ng tingin
at paano sasabihin pa sayo…

Di na ako aasa pa
ngayong alam ko na nandiyan na siya
Ngunit sa oras na ikaw ay iwan niya
Asahan mong pupunasan ko ang yong mga luha

Kahit ito’y pangarap na lang
Ang kaya lang sabihin ay sana lang sana