Archive for the scribbled thoughts Category

PAGRAI. sa pusod ng putik.

Posted in chn, duty, nursing, scribbled thoughts on May 20, 2008 by napoleon crisostomo

Our community immersion made me realize lots and lots and lots of things. Mababaw man o makabagbag damdamin. I thought that it would be one of my worst duties ever, but it turned out to be one of the best (walang halong kaplastikan). It was a really different experience. It wasn’t as bad as I expected or was endorsed by team b. So there.

Una na realize ko na kaya pala ang lalaki ng payong namin tapos walang required payong ang kamandag at liliw, dahil sa isang dahilan lamang. Hindi ito mga aso o ulan. Dahil ito sa ulan ng Incidence report na pinamimigay ng mga CI na para bang brochure ng condo for rent/sale. Ngunit maraming pagkakataon na hindi ako nagdala ng payong. Kasi hindi naman ako na-IR. Wuhoo!

Narealize ko din na mali sila. MALING MALI. Swerte din kami sa CI sa Pagrai noh. Well, not quite. Pero okay naman yung mga CI na sinasabi nilang toxic daw. Okay dahil sila nga yung mga naging ka-close ko nung immersion. :)

Maging ang sector namin ay maraming naparealize sakin.

Swerte pala ako na nakikita ko ang kulay ng mundo. Nakikita ko ang ganda ng likha ng Diyos at kung paano natin unting-unti sinisira ang mga ito. Hindi katulad ni Jaybee na bata palang ipinagkait na sa kanya ang makakita. Pero hindi doon nagtapos ang lahat para sa batang yon. Naglaro pa rin siya, nakisama at nagpatuloy sa laban ng buhay sa kabila ng kanyang kapansanan. Doon ko natutunan ang courage. Ang tunay na ibig sabihin nito. Dapat maging malakas ka kahit na may isang bagay na patuloy na nagpapababa sayo.

Swerte din pala ako dahil marunong akong ipakita ang totoo kong nararamdaman sa paraan ng pagsalita. Hindi katulad ng mga anak kong sina Jonathan at Divine na ungol at tawa lang ang kayang gawin. Minsan, bumibigkas rin pero paputolputol. Don ko narealize na dapat pala kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Bago pa mawala ang pagkakataon. Yung dalawang yon, magaling magcolor at magdrawing. Siyempre, mga anak ko yon.

Swerte din ako dahil hindi ako katulad ni Eugene na hindi pinapalabas ng tiyahin niya. Dahil daw hindi siya marunong umuwi. Nagpapasalamat ako kay God dahil hindi niya ako ginawang bobo sa direksyon.

Swerte din ako dahil binigyan ako ng Diyos ng kumpletong mga paa at kamay. Hindi katulad ng ilan sa mga core group leaders namin. Ngunit sa kabila ng kapansanan ay nakuha pang tumulong sa iba. Natutunan ko dito ang tunay na ibig sabihin ng salitang tulong. Ibibigay mo sa iba kung anong meron ka kahit na kulang na yung sayo.

Natutunan ko din ang pakikisama. Biro mo, hindi mo groupmates ang makakasama mo. Kung hindi mga tao galing sa iba’t ibang section na makakasama mo sa unang pagkakataon.

Sa kabila ng putik, sa ulan at sa dami ng bitbitin, marami pa rin akong natutunan at natuwa ako sa experience ko sa pagrai.

Yes friends, PAGRAIan ako.:D

and it’s all about love once again.

Posted in scribbled thoughts, sir john, tagalog on April 2, 2008 by napoleon crisostomo

Nagtext si Jako. Nagtatanong tungkol sa pag-ibig na tila ba isa itong sakit. May pathophysiology pang nalalaman. Sinagot ko ang tanong. Pero marami akong sinabi. At dahil pinangako ko kay Jako na itytype ko na lang siya, eto na.

Loving someone is like finding the end of a micropore tape. You don’t need to see it. You just feel it. Hindi mo kailangan ng tangible signs para malaman mo. Marerealize mo na lang yun. Tatamaan ka. Biglaan. Hindi mo namamalayan. Naalala ko yung sinabi ni Box (Hindi ito yung CI ah) nung minsang maginuman kami. It all starts with attraction. Tama naman siya. Pero what makes you stay with the person? Hindi naman dahil maganda ang mga mata niya di ba? O dahil matangos ang ilong niya o dahil perfect yung atay niya o yung utak niya, hindi. May kanya kanya tayong dahilan. Dahil mabait siya, masaya siya kasama, o dahil minsan nararamdaman mo na lang na sa kanya ka na sasaya at hindi ka na maghahanap ng iba. Tama naman di ba? YOU JUST FEEL IT.

We love because that what makes the world go round. Clichè pero, totoo. Love pushes us forward. Di ba pagwala kang minamahal o walang nagmamahal sayo parang gusto mo na mawala na lang bigla sa mundo. Kasi that what keeps us going on, LOVE. Hindi yung tipong mushy type na kailangang may boyfriend or girlfriend ka. Basta meron.

To be happy, you have to make someone else happy. Bakit mo naman gagawin yon? Kasi mahal mo siya. Yun lang. Sapat nang dahilan yon para pasayahin mo ang isang tao. Ako, bakit ba ako nagnursing? Kasi gusto kong maging masaya ang parents ko. When you love someone, you do anything and everything just to make them happy.  Pero, ano nga bang nararamdaman ng isang nagmamahal? You feel happy, safe, secured and you  wish that time would right there and then stop so that the moment could just last forever.

On a nurse’s point of view, walang signs and symptoms ang love. Asymptomatic. Bigla ka na lang aatakihin parang Myocardial Infarction. Pero pwedeng may hallmark sign. Pwedeng wala. Nasasaiyo iyon. Walang exact diagnosis. Walang eksatong cure. Kung meron mang treatment, symptomatic lang.

Kung parental love yan, para siyang galactosemia o kaya tropical sprue. Meron ka non habang buhay. Sabi nga ni Sir Lorena, forever and ever AMEN. Magaadjust ka lang. Kasi di ba kahit anong mangyari, mahal mo sila at mahal ka din nila.

Ibahin naman natin ang love of friendship. Para siyang Renal Failure. May stages. May pre-renal, may intra-renal at may post renal . Una, you’ll get to know each other hanggang sa magkadevelopan kayo. Madalas, hindi nagkakadevelopan. Ibig sabihin non, Acute Renal Failure ka pa lang, naagapan na. Pero kung hindi, hello end-stage renal disease.

Tinamaan ka ng virus pagdating sa Romantic love. Self-limiting. Biglaan. Para kang nagkasipon.After ng ilang araw, magaling ka na.Ganon lang din yon. Pero kung HIV ang tumama sayo, hindi na self-limiting yon. You’ve found the one. :) Pero kung hindi siya, hindi talaga siya. You have to move on and catch the next virus.:D

Ganon ang love.
Sana lang tamaan na ako ng virus ko.
Sana din, siya na yun.:)