Ito ang unang post kong tagalog.
Ngayong araw nakatakda ibigay ang aming mga grado para sa semestreng ito. At hindi na ako magugulat kung mayroon na naman akong makikitang 3.00 sa class card ko. Hindi na bago sakin yun. At isa pa, kumuha ako ng removals exam kaya tama lang na ganun.
Mahabahaba ring antayan bago ko makita ang papel na naglalaman ng dugo’t pawis ko dahil matagal dumating yung ingat-yaman naming si Edel na siyang dapat unang pumirma. Kaya medyo matagaltagal rin ang paninikip ng dibdib ko dala ng kaba.
Heto pala ang ilan sa mga nakakatawang nangyari ngayong araw…
Nasa canteen ako at magkausap kami ni Marah nang may kumalabit sa akin sa tagiliran. Laking gulat ko nang malaman ko kung sino iyon. Si Dr. Guerrero, yung propesor ko sa Microbiology.
AKO: Ma’am, I passed!
DR. G: I know.
AKO: Ay, sorry naman Ma’am.
DR. G: Nga pala, andito si Dr. Nufable last week.
AKO: Talaga po?
DR. G: Oo. Tapos sabi ko sa kanya lagi mo siyang hinahanap.
AKO: Tapos po? Ano pong sabi?
DR. G: Wala, tumawa lang.
Eto pa isa. Umakyat ako sa Rm 408 para kunin ang grades ko. Si Sir Trieste at Sir Arguzon ang nagbibigay ng mga classcards. Inabot ko yung Verification Slip at Clearance at pumirma na ako sa papel. Habang pumipirma..
SIR TRIESTE: Wow, pasado ka ng Micro?
AKO: Ah..opo.
SIR TRIESTE: Pero, bagsak ka ng Physics? Tsk.
AKO: Huh? Talaga sir? (na medyo nangingiyak na)
Nung nakita ko yung card ko..
AKO: Sir, hindi naman e.
Kinausap namin siya ni Bernard sa faculty dahil tinanong namin yung tungkol sa acceptance letter.
SIR T: Baka sa 30 or sa 31.
AKO: Sir, di naman ako bagsak sa Physics e.
SIR T: Oo nga. Loko lang.
Nasalubong ko si Sir Barte.
SIR B: Congrats ah.
AKO:San?
SIR B: Microbio.
Siguro tinatanong niyo kung paano niya nalaman. Ganito yon. Nagtext ako sa kanya na nakapasa ako ng Micro. Tinanong lang niya kung sino ako. Tapos sinabi ko. Ayun nung nagkita kami tska lang niya ako binati.
Nagbonding kami ni Mary at Hazel sa Dunkin Donuts. Nakakatuwa. Ang dami naming pinagusapan. Mula sa crush, sa pagpasa sa SLCN hanggang sa taong kinaiinisan namin. Ang lupet.. Natuwa naman ako.

