Archive for the tagalog Category

and it’s all about love once again.

Posted in scribbled thoughts, sir john, tagalog on April 2, 2008 by napoleon crisostomo

Nagtext si Jako. Nagtatanong tungkol sa pag-ibig na tila ba isa itong sakit. May pathophysiology pang nalalaman. Sinagot ko ang tanong. Pero marami akong sinabi. At dahil pinangako ko kay Jako na itytype ko na lang siya, eto na.

Loving someone is like finding the end of a micropore tape. You don’t need to see it. You just feel it. Hindi mo kailangan ng tangible signs para malaman mo. Marerealize mo na lang yun. Tatamaan ka. Biglaan. Hindi mo namamalayan. Naalala ko yung sinabi ni Box (Hindi ito yung CI ah) nung minsang maginuman kami. It all starts with attraction. Tama naman siya. Pero what makes you stay with the person? Hindi naman dahil maganda ang mga mata niya di ba? O dahil matangos ang ilong niya o dahil perfect yung atay niya o yung utak niya, hindi. May kanya kanya tayong dahilan. Dahil mabait siya, masaya siya kasama, o dahil minsan nararamdaman mo na lang na sa kanya ka na sasaya at hindi ka na maghahanap ng iba. Tama naman di ba? YOU JUST FEEL IT.

We love because that what makes the world go round. Clichè pero, totoo. Love pushes us forward. Di ba pagwala kang minamahal o walang nagmamahal sayo parang gusto mo na mawala na lang bigla sa mundo. Kasi that what keeps us going on, LOVE. Hindi yung tipong mushy type na kailangang may boyfriend or girlfriend ka. Basta meron.

To be happy, you have to make someone else happy. Bakit mo naman gagawin yon? Kasi mahal mo siya. Yun lang. Sapat nang dahilan yon para pasayahin mo ang isang tao. Ako, bakit ba ako nagnursing? Kasi gusto kong maging masaya ang parents ko. When you love someone, you do anything and everything just to make them happy.  Pero, ano nga bang nararamdaman ng isang nagmamahal? You feel happy, safe, secured and you  wish that time would right there and then stop so that the moment could just last forever.

On a nurse’s point of view, walang signs and symptoms ang love. Asymptomatic. Bigla ka na lang aatakihin parang Myocardial Infarction. Pero pwedeng may hallmark sign. Pwedeng wala. Nasasaiyo iyon. Walang exact diagnosis. Walang eksatong cure. Kung meron mang treatment, symptomatic lang.

Kung parental love yan, para siyang galactosemia o kaya tropical sprue. Meron ka non habang buhay. Sabi nga ni Sir Lorena, forever and ever AMEN. Magaadjust ka lang. Kasi di ba kahit anong mangyari, mahal mo sila at mahal ka din nila.

Ibahin naman natin ang love of friendship. Para siyang Renal Failure. May stages. May pre-renal, may intra-renal at may post renal . Una, you’ll get to know each other hanggang sa magkadevelopan kayo. Madalas, hindi nagkakadevelopan. Ibig sabihin non, Acute Renal Failure ka pa lang, naagapan na. Pero kung hindi, hello end-stage renal disease.

Tinamaan ka ng virus pagdating sa Romantic love. Self-limiting. Biglaan. Para kang nagkasipon.After ng ilang araw, magaling ka na.Ganon lang din yon. Pero kung HIV ang tumama sayo, hindi na self-limiting yon. You’ve found the one. :) Pero kung hindi siya, hindi talaga siya. You have to move on and catch the next virus.:D

Ganon ang love.
Sana lang tamaan na ako ng virus ko.
Sana din, siya na yun.:)

mommy says that’s bad.

Posted in amaranth, badtrip, duty, im breaking up, micro, sir john, tagalog on November 4, 2007 by napoleon crisostomo

Minsan kasi, dapat, hindi ka magmarunong. May presidente naman kami. Alam naman niya na dapat niyang ipaalam samin ang mga bagay-bagay na dapat niyang ipaalam. Hindi mo na kailangang magmarunong. At nga pala, teka, kabatch na kita? Hmmmn. Sorry. Nabadtrip lang ako sayo nung isang gabi.

Ikaw naman. Oo feeling mo na naman na sobrang inaaway ka ng mga ex ng ex ng ex ng kapitbahay niyo na ex ng kapitbahay namin sa bago naming bahay noon. Hindi ko alam kung totoo. Masyado ka kasi mapagmataas.  Diyosa ka? Diyosa? Akala. Hmf. Maganda ka eh. Oo. Sabi mo. At sige lang, ipilit mo pa. Sorry ah. Nabadtrip kasi ako sayo e. Forever.

It’s really sad that our 5-day vacation is over. I can’t believe I’m going back to school tomorrow. It’s fine but it’s sort of unfair because only half of us are going back. Yadayadayada. We’re assigned to San Lazaro Hospital and I really don’t know what to expect.Haha.Can we just have communicable lectures forever. Haha. No, hindi pwede. Bawal. Lalandi ka lang.

I really miss Sir…haha. Secret.Our bonding moments. Awww. I wish I have time to visit real soon. Plus, I need to return Maam Frances’ Polsci book. Adam kasi. Oh well.

Good thing about going to school tomorrow. SIR LORENA. haha. I hope.

AMARANTH, Micro na!! Good luck!:)

bawal magkasakit.

Posted in badtrip, mam cabiente, tagalog on May 8, 2007 by napoleon crisostomo

Pangalawang beses, sa pangalawang pagkakataon nasermonan na naman ako. Alam ko naman na para sakin din yun dahil oo, gago din ako. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako na lang lagi ang napapansin. Hindi ba pwede na kaya ganun yung mga nangyayari eh dahil hinayaan ko din silang ganun? Alam ko naman din kasi na kapag nadapa ka, desisyon mong bumangon o hindi. At kung bumangon ka man o hindi ay tatakbo pa rin ang oras, sisikat at lulubog ang araw at magpapatuloy pa rin ang buhay. Oo, medyo napagiwanan na rin ako kaya nga unti-unti akong bumabangon mula sa pagkalugmok kong ito. Hindi ko naman din kayang madaliin. Ako nang bahala sa buhay ko. Alam ko namang concerned KAYO e. Kaya nga, SALAMAT.

Marami akong nararamdaman ngayon, pagod, puyat (lokohan itong puyat na ito), pagkaipit, depression, fitting in.Madaming gulo. Personal ang ilan kaya ko siguro sinosolo. Sinosolo. Tinamaan ako dun kanina. Sinabi ni Sir Arguzon. Dapat hindi sinosolo ang problema. Kaso isa pang problema ko, wala na yung nalalapitan ko (at dahil bawal na nga rin akong tumambay sa school).  Yun.

Kaya ko naman eh. Pangako.

PS: Yung title? Wala lang ako maisip.

hello stranger.

Posted in badtrip, balugas, bestfriend bugok, dreamboy, funda, tagalog on April 30, 2007 by napoleon crisostomo

when life gives you lemons, throw it at an angle theta that would render the most lethal.

Hindi ako galit sa kahit kanino man. Sadyang badtrip lang talaga ako. Wala sa mood. Lahat tayo may ganung mga moments di ba? Hindi lang talaga maganda yung gising ko. Wala ako sa sarili kahapon. Hindi ako galit sayo kahit sabi mo ang kapal ng mukha ko. Hindi rin ako galit kay ano kahit na pinagalitan niya ko at sabi niyang bawal ako magstay sa school after 4. E di fine. e di hindi. Hindi rin ako galit sa kanya kahit dahil don, hindi ko nakita si Bernard. Mas lalong hindi ako galit sayo kahit sabi mo hindi tayo friends tapos napahiya ako sa harap niyo, kay Maam Cabiente, kay Chi, kay Chabs at dun sa lalaking nakaupo sa may elevator.

Hindi ako galit. Di ko kaya yun. Yung magtanim ng galit sa isangmadaming tao. Pero eto lang yun, forever na siyang may lamat sakin.

Life’s daily shit sabi nga ni Chi.

Sige na, mali na ako. Ayoko lang ng away.

xxx

Sino si Richard sa buhay ko Mars?

Wala. Adviser ko nung first sem. No more no less. Meron pa ba dapat?

xxx

Hindi re run si Jimmy Neutron kahapon so yey!!

xxx

Sabi ko na nga ba eh. Hindi talaga magandak tong araw na ito e. Nafeel ko na yun eh. 6 pa lang ng umaga.

isang minuto sa buhay ko.

Posted in aLvin rey, doctoL, dreamboy, funda, nursing, nutrition, pharma, sir john, super crush, tagalog, thor joseph on April 17, 2007 by napoleon crisostomo

Naglaan lamang ako ng ilang sandali para magblog. Hindi ko maintindihan kung importante ba itong sasabihin ko o dahil mayabang ako at isang unit ng Pharma lang ang tatapusin ko o dahil mahaba pa ang oras at nabore ako sa dorm pagkatapos kong maligo, maghugas ng pinggan at maglaba.

Isang unit sa isang gabi? Oo, kaunti na lang kaya yun. Kaysa sa mga nakaraang araw na subsob kami sa pagbabasa dahil sa takot na magpretest. Salamat sa Diyos at gahol kami sa oras kaya madalas hindi na natutuloy ang pre-test namin.

Nakita ko si super crush kanina. At feeler siya. SOBRA. Naiinis ako. Pakshet siya. PAKYU KA.

May bagong nagmakmayari ng puso ko. Kaso may ka-share siya, isang taong pula ang buhok. Haha. Siya, walang buhok. Coolness. Kaso nagtampo siya kanina e.

SIYA: Ba’t andito ka pa?
AKO:Sir, bakit di po ba pwede?
SIYA:Ang sungit mo naman. (sabay alis)

Aww. Sorry sir. Mahal pa din kita.

So far, wala pa akong binabagsak na quiz sa Funda. (e di good). Ayun nga lang wala pa akong pinapasa na quiz sa Nutri. Sa Pharma, nako. Masaya na ako sa nakukuha ko. Lalo na kanina. Shet. John Lorena is Pharmaceutical love. And Dr. Oliver Tolentino is in close second. Minsan, pantay lang. Pero madalas mahal ko si Sir Lorena. :)

Ayun lang yon. Isang minuto sa buhay ko.