Lahat kami ay may hinaing. Lahat kami unti-unting nagaadjust sa mundo naming ginagalawan. Aba ay lalo na kami. Gigising kami ng maaga. Maagang maaga para pumasok sa 7:00 na klase. Mahirap. Kung ganito sa impyerno, ay sauce,magpapakabait na ako.
Pero wag ka, masaya. Masaya na alam mo na na sa Trinity ka pa din nagpapatuloy ng pagaaral (Isang tao lang pinatatamaan ko sa linyang iyan. Wala akong balak manakit ng kung sino man. SIYA lang. di ba Yen?). Ayon lang. Madami akong natutunan kahit mga katarantaduhan (sabi ni Dr. Tolentino <-gagawan ko yan ng separate entry).
Nakakatuwa magfunda. Ang galing magturo ni Sir Velasco. Nakakatuwa. BEST THREE-HOUR LECTURE of my life. Haha. Pero oo nga.:) Thor Joseph Velasco is theoretical love. Kay Sir Arguzon, BAWAL HUMIKAB.As in bawal, nahuli niya ko one time, natanong tuloy ako. Si Pauline Bonoan din. Haha.
Patay talaga ako sa Nutrition. Hindi ko alam kung professor yung problema o ako dahil hindi ako nakakapagbasa o dahil pagnaglelecture si Dr. Mayo e, bumbunan niya nakaharap sa akin at hindi yung mga isomer ng sugars. Hindi ko alam ah. Pero wala pa kasi akong napapasang quiz sa nutri, kaya sabi ko eh babawi ako. Ah basta.
Pharma ba? Ayos naman. Superficial Pharma lang. Parang hindi namin nakikilala ng husto yung gamot. Parang “Hi I’m Penicillin, I’m an antibiotic and you are? Nice to meet you.”Yon. ganun lang. Superficial. Katarantaduhan ika nga ng prof namin na si Dr. Tolentino.
Kaya yon. Hindi ko na alam. Ayoko na. Pero kaya pa. Dahil may sasabihin ako kay Dr. Nufable pag nakablue and white na ako. Humanda ka sakin Jhoram.